• Type:
  • Category:
    Country:
  • Pricing:
  • Average Rating:

San Pedro de Alcantara Parish (Pakil)

Start Tour
Share

Details

Diocesan Shrine Of Our Lady Of Turumba (Founded 1676) Poblacion, Pakil, 4017 Laguna

Feast Day: October 19

Facebook Page of Pakil: https://www.facebook.com/SaBirhen

UNANG ISTASYON: ANG HULING HAPUNAN

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.

S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (1 Cor 11:23-26)

Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya’y ipagkanulo, ang Panginoong Hesus ay dumampot ng tinapay at nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.” Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito.

Pagninilay

Ang larawan ng Huling Hapunan ang naghahanda sa atin upang harapin ang hirap at sakit ng Krus patungo sa luwalhati ng Pagkabuhay. Ang sakripisyo ni Hesus sa krus ay ang sakripisyo sa Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristiya ang nagbibigay lakas sa atin habang pinapasan natin ang mga krus ng ating buhay at nagdudulot sa atin ng pag-asa para sa hinaharap. Sinusubaybayan natin ang landas ni Kristo, at sasaksihan natin ang kanyang pagkilos mula sa kanyang pakikipagkapwa sa kanyang mga kaibigan hanggang sa kanyang pagiisa at kalungkutan sa kanyang kamatayan patungo sa tagumpay at ligaya ng Pagkabuhay.

Panalangin

Makapangyarihang Ama, noong gabi bago siya ipagkanulo ipinakita ng iyong Anak sa kanyang mga alagad kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila. Ang banal na eukaristiya ang tanda at patunay ng di magwawalit na pag-ibig at pangako ng buhay na daratnan namin sa langit. Tulutan mo na sa biyaya ng iyong Diwang banal kaming nagdiriwang ng mga misteryo ni Kristo sa lupang papanaw, ay mapakinabang sa hapag ng masaganang buhay sa bayang aming ngayong tinatanaw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesuskristo, ang kordero ng bago at walang hanggang tipan. Amen. Ama Namin… Aba Ginoong Maria…. Luwalhati sa Ama

Tour Host

No reviews of San Pedro de Alcantara Parish (Pakil)
Leave First Review

Reviews for San Pedro de Alcantara Parish (Pakil)

There are currently no reviews for San Pedro de Alcantara Parish (Pakil)
Scroll to top