• Type:
  • Category:
    Country:
  • Pricing:
  • Average Rating:

San Agustin Parish (Bay)

Start Tour
Share

Details

Saint Augustine Parish (Founded 1684) Poblacion, Bay, 4033 Laguna;

Feast Day: August 28

Facebook Page: https://www.facebook.com/MassMedianiSanAgustin/

IKALABINGTATLONG ISTASYON: SI HESUS AY INIHATID SA LIBINGAN


N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.

S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mt 27:57-60)

Pagsapit ng dilim, dumating si Jose, ang isang mayamang taga-Arimatea na tagasunod din ni Hesus. Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni Hesus, kaya’t iniutos ni Pilato na ibigay ito kay Jose. Nang makuha na ang bangkay, binalutan niya ito ng malinis na tela ng lino. Inilagay niya ito sa kanyang bagong libingan na ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan ang isang malaking batong panakip, at saka umalis.

Pagninilay

May mga pagkakataon na ang buhay ay parang isang mahabang Sabado de Gloria. Tila ba dumating na ang wakas, nagtagumpay na ang kasamaan, at naging mas makapangyarihan ang kasamaan kaysa kabutihan. Ngunit pinatatanaw sa atin ng mata ng pananampalataya na sulyapan ang darating na bagong umaga. Pangako ng pananampalataya na ang huling salita ay sa Diyos: sa Diyos lamang! Ang pananampalatayang ito ang maliit na lampara na nagbibigay sa atin ng liwanag sa dilim ng gabi; at ang liwanag nito ang unti-unting hahalo sa liwanag ng bagong araw, ang Araw ng Nabuhay na Kristo. Kung kaya, ang kuwento ng Biyernes Santo ay hindi natatapos sa libingan, ito ay muling sisiklab tungo sa Linggo ng Pagkabuhay.

Panalangin

Ama naming mahabagin dinala sa libingan ang walang buhay na katawan nang tagapagligtas ng tanan. Sa kanyang kapanganakan ginamit niya’y isang hiram na kweba, sa kanyang kamatayan ay isa ring hiram na libingan. Ipinakita mo sa amin ang tunay na mahalaga hindi ang mawalan ng panlupang yaman kundi ang mawalan ng kaluluwa. Humimlay sa kamatayan ang iyong pinakamamahal na Anak subalit di magtatagal bagong buhay ay sisikat. Ang mahal na ina ngayon may nagdadalamhati itoy mapapalitan ng matamis na ngiti. Lakas ng loob aming hinihingi sa pagbagtas sa bayang sinilangan ng aming lipi, anuman ang harapin kami’y makatitiyak, sa pag-asa ng tagumpay handog ng iyong Anak. Ama Namin… Aba Ginoong Maria…. Luwalhati sa Ama

Tour Host

No reviews of San Agustin Parish (Bay)
Leave First Review

Reviews for San Agustin Parish (Bay)

There are currently no reviews for San Agustin Parish (Bay)
Scroll to top