• Type:
  • Category:
    Country:
  • Pricing:
  • Average Rating:

San Juan Bautista Parish (Longos, Kalayaan)

Start Tour
Share

Details

Parokya ng San Juan Bautista (Founded 1996) Longos, Kalyaan, Laguna; Feast Day: June 24

IKATLONG ISTASYON: SI HESUS AY DINALA SA HUKUMAN NI PILATO

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.

S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Mc 14:60-64,15:1)

Tumayo ang pinakapunong pari sa harap ng kapulungan at tinanong si Hesus, “Wala ka bang isasagot sa paratang nila sa iyo?” Ngunit hindi umimik si Hesus at hindi sumagot ng anuman. Muli siyang tinanong ng pinakapunong pari, “Ikaw nga ba ang Kristo, ang Anak ng Mapagpalang Diyos?” Sumagot si Hesus, “Ako nga. Makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan sa lahat. Makikita rin ninyo siyang dumarating na nasa alapaap ng kalangitan.” Pinunit ng pinakapunong pari ang kanyang kasuotan at sinabi, “Hindi na natin kailangan pa ng mga saksi! Narinig ninyo ang kanyang paglapastangan sa Diyos! Ano ang inyong desisyon?” Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong pari, mga pinuno ng bayan, mga tagapagturo ng Kautusan, at iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato.

Pagninilay

Naudyokan ng opinyon ng marami, kumakatawan si Pilato sa ugali na karaniwan na sa lipunan natin ngayon: kawalan ng interes at pakialam at pagiging makasarili. Upang makaiwas sa panganib, kadalasang handa ang marami sa atin na yapakan at hamakin ang katotohanan at katarungan. Ang pag-uugaling ito ang nagpapamanhid sa ating kunsensya, kumikitil sa pagsisisi, at dumudungis sa pagiisip. Ang kawalan ng pakialam ang unti- unting pagkamatay ng tunay na pagpapakatao. Sa paghatol ni Pilato, nasaksihan natin ang masamang dulot ng kawalan ng pakialam. Katulad ng sinasabi ng mga Romano noong una, ang mali at walang pakialam na katarungan ay tulad ng sapot ng gagamba na bumibitag at pumapatay sa mga insekto, ngunit nakakayang sirain ng mga ibon sa lakas ng hagupit ng kanilang bagwis.” Si Hesus, tulad ng mga mabababa sa daigdig na ito, walang kapangyarihang magsalita ay nabitag. At katulad ng ating nakagawian, si Pilato ay nakatingin sa malayo, naghugas ng mga kamay at bilang pagpapalusot ay nagtanong: “Ano ang katotohanan?”

Panalangin

Ama naming mapagmahal, iniharap ang Hari ng mga hari sa hamak na kinatawan ng pinuno ng Roma. Ang isa ay makasarili at walang pakialam sa katotohanan at ang isa, na siyang katotohanan, ay hinatulan upang maligtas ang bayan sa kapahamakan. Ipagkaloob mong maisabuhay namin ang katotohanang magpapalaya sa amin upang ang aming mga buhay ay maging marapat na handog sa iyong dambana hanggang kami’y magsipag-alay ng walang patid na papuri sa kabila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo ang dakila at kataas-taasang pari. Amen. Ama Namin… Aba Ginoong Maria…. Luwalhati sa Ama

Tour Host

No reviews of San Juan Bautista Parish (Longos, Kalayaan)
Leave First Review

Reviews for San Juan Bautista Parish (Longos, Kalayaan)

There are currently no reviews for San Juan Bautista Parish (Longos, Kalayaan)
Scroll to top