• Type:
  • Category:
    Country:
  • Pricing:
  • Average Rating:

San Santiago de Apostol Parish (Paete)

Start Tour
Share

Details

St. James The Apostle Parish (Founded 1602) Poblacion, Paete, 4016 Laguna

Feast Day: July 25

IKALAWANG ISTASYON: SA HALAMANAN SA GETSEMANI

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Kristo.

S. Sapagkat sa pamamagitan ng Krus ay sinakop mo ang mundo.

Pagbasa (Lc 22:39-42,44-45)

Gaya ng kanyang kinagawian, umalis si Hesus at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo kasama ang mga alagad. Pagdating doo’y sinabi niya sa kanila,”Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila, mga isang pukol ng bato ang layo, at doo’y lumuhod at nanalangin. Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Dala ng matinding hinagpis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim, at pumatak sa lupa ang kanyang pawis na parang malalaking patak ng dugo. Pagkatapos manalangin, siya’y tumayo at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa labis na kalungkutan.

Pagninilay

Sa katauhan ni Kristo ng Getsemani na nakikibaka at puno ng hapis nakikita natin ang ating mga sarili tuwing dumaraan din tayo sa gabi ng sakit, ng pagkawalay sa mga kaibigan, ng katahimikan ng Diyos. Sinasabi na si Hesus ay “maghihirap hanggang sa wakas ng panahon: hindi tayo puwedeng magtulug-tulugan ngayon sapagkat naghahanap siya ng kasama at karamay” (Blaise Pascal, Pensees, No. 555, ed. Brunswieg) tulad ng ilan sa atin na naghihirap dito sa lupa. Sa kanya rin natin makikita ang ating mga mukha, kapag ito ay basa ng luha at hinahagupit ng suliranin. Ngunit ang pakikibaka ni Hesus ay hindi nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at pagsuko, bagkus nag-uudyok para sa isang pagpapahayag ng pagtitiwala sa Ama at sa kanyang plano. Sa tagpong ito ng buhay ni Hesus, tanging ang panalanging “Ama namin” ang ipinapaalala sa atin ni Hesus: “Manalangin kayo na huwag madarang sa tukso… Huwag ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang masunod.” At dumating ang anghel ng aliw at kalakasan na tumulong kay Hesus na magsikap hanggang sa huling yugto ng kanyang pakikipamayan sa atin.

Panalangin

Ama naming mapagmahal, tinanggap ng iyong anak ang pagtupad ng iyong kalooban. Sa isang hardin unang naganap ang kasaysayan ng pagsuway ng aming unang mga magulang, sa hardin din matatapos ang kasaysayan ng kasamaan sa buong pusong pagtalima ng Anak ng Kadakilaan. Tulutan mo kaming mapuspos ng lakas ng banal na Espiritu upang aming sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit, hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong Aming tagapagligtas. Amen. Ama Namin… Aba Ginoong Maria…. Luwalhati sa Ama

Tour Host

No reviews of San Santiago de Apostol Parish (Paete)
Leave First Review

Reviews for San Santiago de Apostol Parish (Paete)

There are currently no reviews for San Santiago de Apostol Parish (Paete)
Scroll to top